Mayorya ng Pilipino: hindi urgent national concern ang cha-cha – survey

Hindi itinuturing na urgent national concern ng ilang mga Pilipino ang isinusulong na charter change.

Base sa inilabas na survey noong December 2023 ng OCTA Research, isang porsyento lamang ang naniniwalang urgent issue ang pagbabago sa Saligang batas na kailangan tugunan ng pamahalaan.

Habang ang pagkontrol ng inflation ang ikinokonsidera bilang top concern ng 73% ng mga Pilipino.

Ito ay tumaas mula sa 52% na naitala sa survey na isinagawa noong July 2023.

Ilan pa sa itinuturing na national concern ng mga Pilipino ay ang paglikha
ng mga trabaho, pagpapataas ng sahod, at kahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *