Water pollution sa U.K, mataas pa rin – Environment Agency

INIULAT ng UK Environment Agency na nananatili pa ring mataas ang mga insidente ng polusyon sa tubig o water pollution noong nakaraang 2022.

Ayon sa pinakabagong pagsusuri ng Environmental Agency nananatiling mataas ang insidente ng water pollution sa bansa at sa katotohanan ay naglathala sila ng bagong datos na nagpapatunay na muling tumaas ang bilang ng mga naitalang insidente ng polusyon noong 2022.

Sinabi ni Environment Agency Chair Alan Lovell, na may nakikitang kakaibang pagbabago nitong nakaraang buwan ngunit kailangan tutukan ng mas mabuti para sa pangmatagalang pagbabago at pagbaba ng insidente.

Nakapagtala ng 62 malubhang water pollution incident ang ahensya noong 2021 habang bumaba naman sa 44 nitong nakaraang taon.

Humigit kalahati nito ay nagmula sa Thames Water at Anglian Water Company na parehong nahaharap sa mga multa.

Sa ngayon nais tanggalin ng pamahalaan ng UK ang kasalukuyang multa na aabot sa £250,000 kapalit ang pagsasagawa ng mga hakbang sa mas mabilis at mas mababang halaga ng pagpapatupad nito.### HARLIN LUMIBAO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *