Welder, timbog sa buy bust ops sa Alicia

Arestado ang isang welder sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa barangay Aurora, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Kenneth Galzote, 22-anyos, binata at residente ng barangay Lapaz, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Alicia Police Station, ikinasa ang naturang operasyon bandang alas-10 noong gabi ng July 20, 2021 kung saan nabili umano sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalaang shabu.

Nakumpiska rin kay Galzote ang 500 peso bill na ginamit sa transaksyon, isang kalibre 38 na baril na may 4 na bala, black holster, cellphone at motorsiklo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang naarestong suspek na sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Alicia Police Station.

Mahaharap si Galzote sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of firearm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *