Lolo na paulit-ulit umanong ginahasa ang apo, arestado

Dinakip ng kapulisan ang isang lolo na paulit-ulit umanong nanggahasa sa kaniyang apo sa implementasyon ng warrant of arrest noong July 19, 2021 sa bayan ng Piat, Cagayan.

Kinilala ang suspek na itinago sa pangalang Voltaire, 64-anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Sto. NiƱo, Cagayan.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, batay sa pahayag ng menor de edad na biktima nag-umpisa ang paulit-ulit na panghahalay sa kaniya ng suspek noon pang 2018.

Ayon sa bata, natakot umano siyang magsumbong dahil pinagbantaan siya ng kaniyang lolo na papatayin maging ang kaniyang mga kapatid.

Napag-alaman din na sinubukan umano niyang magsumbong sa kaniyang ama ngunit hindi siya pinaniwalaan nito.

Noong July 2019, ay naglakas-loob na umano ang biktima na isumbong ang ginagawang panggagahasa sa kaniya sa kaniyang lola at sinamahan siyang mag-report sa police station.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Edmar Castillo, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 11, Tuao, Cagayan ay inaresto ang suspek sa kasong 39 counts of rape ng pinagsanib-pwersa ng mga kasapi ng PNP Piat at 17th Infantry Battalion, Philippine Army.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Piat Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *