WESCOM, handa na sa PH-US Balikatan Exercise

Handa na ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines sa pagsisimula ng Balikatan Exercise.

Sa pagbubukas ng Balikatan sa Lunes, ang WESCOM ang magiging sentro ng dalawang major Combined Joint All Domain Operations events kabilang dito ang Training on Maritime Key Terrain Security Operations at High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion Operations.

Magkakaroon din ng Multilateral Maritime Exercise sa mga barko ng mga bansang kalahok na gagawin sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Bukod sa mga pagsasanay, mayroon ding kasamang Humanitarian Civic Assistance projects ang Balikatan, tulad ng patuloy na pagtatayo ng health care center sa Barangay Punta Baja, Rizal, at iba pang civil-military engagements sa lugar.

Inaasahang magbibigay ito ng mas mahusay na access sa serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Barangay at sa iba pang mga kalapit na komunidad sa lalawigan.

Ayon kay WESCOM Chief, Vice Admiral Alberto Carlos, binibigyang-diin sa pagsasanay ang kooperasyon, kolaborasyon, at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng dalawang bansa.

HINDI ‘SHOW OF FORCE’

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na hindi ‘show of force’ ang isasagawang military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na magsisimula sa araw ng Lunes.

Tugon ito ng AFP sa naging pahayag ni China Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na tila nagpapakita ng puwersa ang Pilipinas at Amerika laban sa China

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang pagsasanay ay nasa ika-39 yugto na sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na layong patatagin ang kakayahan ng mga Sundalong Pilipino sa pagtatanggol sa soberenya at teritoryo ng bansa

Giit pa ni Trinidad, prerogative ng Pilipinas ang pagsasagawa ng pagsasanay sa mga kaalyadong bansa upang makatugon sa mga hamong kahaharapin sa hinaharap.

Kasalukuyang nasa bansa ang isang mid-range capability missile system ng US sa hindi binanggit na lugar sa Luzon para sa SALAKNIB exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estadod Unidos.

Habang gagamitin naman ng Amerika sa BALIKATAN sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang SM-6 missile system na kayang umabot ng 300 nautical miles o lampas 500 kilometro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *