WHO, nais makuha ang datos kung epektibo ang bakuna laban sa monkeypox

Nais makuha ng World Health Organization (WHO) ang broad data para makita nila kung epektibo ang bakuna laban sa monkeypox.

Hinimok ng WHO ang publiko na mag-ingat laban sa kasalukuyang sakit upang maiwasan ang virus spread.

Dapat umanong masiguro na hindi mahahawaan ang vulnerable groups at mga kabataan lalo na sa mga bansang may mataas na kaso ng naturang sakit.

Samantala, pumalo na sa 793 ang kaso sa Britain, 521 sa Germany, 520 sa Spain, 317 sa Portugal, 277 sa France, 210 sa Canada, 167 sa Netherlands habang 142 naman sa United States.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *