WHO, tutulungan ang limang bansa na hindi pa nakapagsisimula ng kanilang COVID-19 vaccination program

Nakahanda ng tulungan ng World Health Organization (WHO) ang limang bansa na hindi pa nakapagsisimula ng kanilang COVID-19 vaccination program.

Kabilang dito ang Burundi, Eritrea, Haiti, North Korea at Tanzania.

Ang nasabing limang bansa ay kabilang sa 194 member states ng WHO na hindi pa nakapagsisimula ng kanilang immunization program sa gitna ng patuloy na pagkalat ng coronavirus.

Ayon sa WHO, nagpapatuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang matulungan na mabigyan ng suplay ng bakuna ang mga bansa sa pamamagitan ng Covax facility.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Tanzanian President Samia Suluhu Hassan na kabilang na ang Tanzania sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) program ng WHO.

Sinabi ni Hassan na may nakahanda na ang kanilang gobyerno na 477 million U.S. dollars na pambili ng bakuna kontra covid-19.

Samantala, nagbabala naman ang Tanzanian President sa posibleng third wave ng covid-19 pandemic doon dahil sa mga bagong naitatalang kaso ng sakit at dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naa-admit sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *