Wildfire sa Itogon, Benguet, nasa 60 na porsyento nang naapula

Nasa 60% nang naapula ang wildfire na sumiklab sa Itogon sa Benguet.

Ito’y sa tulong ng helibucket operations ng Philippjne Air Force gamit ang kanilang mga choppers.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo,, 50 ektarya ang sakop ng sunog na nagsimula noong January 26, kung saan apektado ang mga barangay ng Dalupurip and Tinongdan

Sa ngayon aniya ay patuloy ang operasyon sa nalalabing 30 ektaryang kagubatan na ang apektado ng sunog.

Ito’y hanggang sa maabot ang 90% containment bago ito ideklarang under control.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa posibleng sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *