Yellow Bus, pinasiguro ang sahod sa kanilang Libreng Sakay drivers!

KORONADAL CITY — PINASIGURO ngayon ng pamunuan ng Yellow Bus Line Inc. o YBLI na matatanggap na ng kanilang mga drivers na naging bahagi ng Libreng Sakay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang kanilang mga sahod bago pa man matapos ang buwan ng Enero.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Bernard Bolanio, operation’s manager ng YBLI, nilinaw nito na naantala ang pagbibigay ng sahod sa nasabing mga drivers dahil sa mga dokumentong kinakailangang i-proseso ng kanilang accounting office.

Sa kabila nito, pinasiguro ng opisyal na maibibibigay sa nabanggit na mga drivers ang kanilang sahod at benepisyo.

Humihingi din ito ng pag-unawa sa kanilang mga drivers ukol sa pagka-antala ng nasabing sahod.
Una nang inihayag ng LTFRB Region-12 na naibigay na nila sa YBLI ang sahod at mga benipisyo ng mga drivers na naging bahagi ng Libreng Sakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *