Yulo, tinapos ang kampanya sa Asian meeet na may 3 ginto

Tinapos ni Carlos Yulo ang kampanya sa 2023 Asian Artistic Gymnastics Championships sa Singapore na may 3 ginto, 1 silver at 1 bronze.

Nanalo si Caloy ng ginto sa parallel bars sa score na 15.266. Nakakuha siya ng rate na 6.300 for difficulty at 8.966 in execution.

Sa vault naman ay nakatapos si Caloy na may average score na 14.299, sapat para makuha ang gold medal.

Nag-uwi rin ng bronze si Caloy mula sa high bar kung saan nakuha niya ang final score na 14.533.

May kabuuang 5 medalya  ang napanalunan ni Caloy sa 2023 Asian championships, kabilang ang isa pang gold mula sa floor exercise at silver sa all-around event.

Samantala, nagdagdag naman  tag-isang silver at bronze ang mga gymnasts sa pagtatapos ng 2023 Asian Senior Artistic Gymnastics Championships.

2nd place finish si kay Emma Malabuyo na naka score ng 13.166 sa finals ng Women’s Floor Exercise habang kinuha naman ni Aleah Finnegan ang kanyang pangalawang bronze sa kanyang podium finish sa Women’s Balance Beam event sa score na 12.833.

Nagtapos ang Team Philippines bilang 2nd overall best country na may 3 gold, 2 silver at 3 bronze medals na improvement sa 4 medal haul ng bansa noong nakaraang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *