Sinuspendi ng Zambales ang pagtanggap ng mga turista at iba pang non-essential travelers mula National Capital Regional.
Ito ay matapos na isailalim ng National IATF sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions ang NCR mula August 1 hanggang August 5 at sa Enhanced Community Quarantine mula August 6 hanggang August 20, 2021.
Humingi naman ng paumanhin ang lalawigan at pang-unawa sa publiko dahil sa kailangang sundin ang mga patakaran.
Panawagan rin nito sa lahat na sundin ang guidelines at health and safety protocols laban sa covid-19.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO