𝗕𝗦𝗞𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟯, 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 – 𝗣𝗥𝗢𝟮

Mapayapa at tahimik na isinagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng Police Provincial Office 2 (PRO2, malaking bagay ang isinagawang pre-deployment preparations sa mga pulis upang mapanatili ang seguridad sa bawat polling precincts.

Ayon kay PRO2 Regional Director, Police Brigadier General Christopher Birung, kasama sa tagumpay na ito ay ang iba’t ibang mga stakeholders, AFP, PCG, DepEd, at COMELEC.

Aniya, dahil sa koordinasyon ng bawat ahensiya at ang pagiging tapat sa serbisyo publiko ng mga awtoridad ay naging maganda ang bunga ng kanilang mga preperasyon katulad ng peace covenant signing, unity walk, at matinding information dissemination.

Kaugnay nito, aabot sa 7,481 na tauhan ng PRO2 ang na-deploy sa buong lambak ng Cagayan na nagpanatili ng seguridad at kaayusan sa pagsasagawa ng halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *