π—£π—”π—¦π—¬π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—š π—œπ—›π—”π—›π—”π—§π—œπ—— 𝗦𝗔𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—’π—¦π—£π—œπ—§π—”π—Ÿ, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—•π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—” π—”π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—’π—§π—¦π—˜ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—”π—Ÿπ—¨π—•π—’π—‘π—š 𝗑𝗔 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯; 𝗗π—₯π—”π—¬π—•π—˜π—₯ π—‘π—š 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯, 𝗑𝗔𝗦𝗔π—ͺπ—œ π—₯π—œπ—‘

Kahabag-habag ang sinapit ng limang katao kabilang ang isang pasyente matapos silang masangkot sa aksidente kagabi, Novemver 10, sa Brgy. Tagaran, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, bumangga ang sinasakyang Honda Click scooter ni Paul Glend Bungag na residente ng Marabulig Uno, Cauayan City sa kotseng minaneho ni Jojo Taguinod, isang Brgy. Kagawad ng Turod, Reina Mercedes Isabela.

Kaugnay nito, lulan din ng Toyota Corolla ang mga pasaherong sina Richard Matalang, Ruth Bungcag at Edgar Pawig.

Ayon sa report, binabaybay ng kotse ang kalsada papuntang pagamutan upang ipa-ospital sana si Matalang matapos itong mahulog mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasangkot sila aksidente.

Batay naman sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-overshoot ang kotse sa kabilang lane ng kalsada kaya sumalpok ang kasalubong nitong motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impak nang pagkakabangga, tumilapon at tumama pa sa isang poste ng kuryente ang drayber ng motor na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Hindi na rin umabot pa sa pagamutan ang pasyenteng si Matalang habang nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang iba pang pasahero.

Kaugnay nito, tumakas pa ang barangay kagawad na drayber ng kotse subalit kalaunan ay kusa rin siyang sumuko sa himpilan ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *