𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗥𝗔𝗦𝗛 𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗣𝗘𝗥 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘

Nagtungo na ang ground searchers sa crash site ng napaulat na nawawalang piper plane na mayroong tail number na RPC-1234.

Ayon sa Incident Management Team, susubukan ng PAF Sokol na magbaba ng parajumper rescuers malapit sa lugar kung saan nakita ang eroplano.

Kaugnay dito, inihayag naman ni San Mariano MDRRM Officer Carlos Taguba na nasa pitong kilometro ang layo ng crash site mula sa Barangay Casala.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak at inaalam pa ang kalagayan ng piloto at pasaherong sakay ng piper plane.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *