𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚

Binigyan ng disenteng libing ang isang miyembro ng kilusan na matapos mahukay ang mga labi nito sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, naagnas na ang bangkay ni Ka Gundo o Piolo nang mahukay ito sa nasabing lugar.

Si Ka Gudo ay nagsilbi umanong Squad Leader ng East Front Committee, Komiteng Probinsya (KOMPROB) CAGAYAN, KRCV.

Umabot ng tatlong araw ang pagbaba ng kasundaluhan at kapulisan sa labi ni Ka Gundo na inilibig sa lugar matapos itong mahulog umano sa bangin habang sila ay tumatakas.

Magugunta na noong June 2, 2023 ay nagkaroon ng mass surrender ng mga miyembro ng kilusan sa Cagayan kung saan ang mga ito ang nagbunyag na inilibing nila ang kanilang kasamahan sa nasabing lugar matapos ang naganap na sagupaan noong March 17, 2023.

Nakipag-ugnayan naman ang 5th Infantry Division, Philippine Army sa pamilya ng nasawing NPA member para sa maayos nitong pagkakalibing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *