𝗣𝟯, 𝟬𝟬𝟬 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗗𝗢𝗡

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ng P3,000 financial assistance sa bawat child laborer sa Cordon, Isabela.

Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program kasabay ng selebrasyon ng 2023 World Day Against Child Labor sa bansa.

Ayon sa kagawaran, bukod sa kanilang ipinamahaging financial assistance ay nabigyan rin ang mga ito ng , scholarships, cash-for-work, employment, at health kits.

Ipinaliwanag din sa naturang aktibidad ang nilalaman ng Republic Act 9231 o Anti-Child Labor Act at mga pamamaraan ng ahensya upang matulungan ang mga batang maagang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

Layunin ng pagdiriwang ng World Day Against Child Labor na tuldukan ang laganap na child labor dahil sa kahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *