๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐——๐—จ๐—ž๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ โ€“ ๐——๐—”

Patuloy ang isinasagawang pagtulong ng DA Regional Field Office 2- Agribusiness and Marketing Assistance Division sa mga pineapple farmers sa Lambak ng Cagayan na maibenta ang kanilang mga produkto.

Una rito, napag-alaman na ilan sa mga magsasaka ang humingi na ng tulong na maibenta ang kanilang mga aning pinya dahil marami umano ang suplay kung saan mababa rin ang benta at presyo.

Dahil dito, nagsimula na ang Agribusiness and Marketing Assistance Service at AMAD Region 2 na suportahan ang mga pineapple farmers.

Kaugnay nito, nakapagdeliver na ang South Agricultural Pineapple Growers Association sa Nueva Vizcaya ng 15,481 kilograms ng pinya sa Bulacan habang nasa 6,000 kg naman ang naibenta ng CIACO mula May 23 hanggang June 1, 2023.

Ilan lamang ito sa mga naibenta na ng DA Region 2 katuwang ang AMAS at bawat Local Government Unit maging ang ilang Farmersโ€™ Cooperative Association partikular ang KADIWA recipients ay tumutulong  na din sa pagbebenta.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanap pa ng kagawaran ng mga maaaring bumili sa inaning pinya ng mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *