1.3 million dumalo sa fluvial procession sa Naga City

NAGA CITY – 1.3 million ang dumalo sa Segunda Traslacion at Fluvial Procession sa Naga City nitong Sabado, Sept. 16, 2023. Ito ang pagtatala ng The Joint Operations Center (JOC). 

Sa Metropolitan Naga Cathedral , puno ang grounds nang ganapin ang misa sa Quadricentennial  Arch , dagat ng deboto rin ang sumabay at nag abang sa Segunda Traslacion ng imahe ng El Divino Rostro at ni Inang Peñafrancia. 

Nang makarating sa Dalhugan/ Danlugan, lalo pang kumapal ang mga nag aabang sa river side. Mabilis ang takbo ng pagoda, hindi inabot ng isang oras ang fluvial procession.

Kasama ng pagoda ang daang bangka at mga sumasagwan.  Sinalubong ang dalawang mapaghimalang imahen sa Dagsaan ng mga kaparian at sa Basilica Minore nag-aabang ang libo-libong mga deboto na ang iba sa kanila umaga pa lamang nakapuwesto na.

Biniyayaan naman ng magandang panahon ang nasabing Fluvial Procession.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *