100 barangay nutrition scholars at barangay health workers, nabigyan ng cash incentives mula sa LGU Jovellar, Albay

LEGAZPI CITY – Natanggap na ng mga barangay health workers at barangay nutrition scholar ang cash incentives mula sa Local Government Unit (LGU) Jovellar.

Ayon kay Mayor Joreem Archangel ng nasabing bayan, nasa 100 BHW at BNS ang nakatanggap ng incentives mula sa lokal na pamahalaan dahil sa kanilang mga tungkuling ginagawa sa kanilang mga barangay.

Ang pagiging volunteer umano sa barangay ay hindi biro lalo na’t wala itong natatanggap na sahod mula sa barangay.

Maliban pa rito, sa unang bugso ng pandemya ay tumulong sila upang mapabuti ang nutrisyon ng mga residente lalung lalo na ang mga bata.

Dahil dito, minabuti ng LGU na bigyan sila ng cash incentives upang masuklian man lamang ang kanilang pagsasakripisyo at maipagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawa.

Samantala, aabot sa P2,500 ang kanilang matatanggap na cash assistance semiannually.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *