Isang pastora patay habang kasama nito nasa kritikal na kalagayan sa salpukan ng kolong-kolong at kotse

Patay ang isang pastora at kritikal naman ang kasama nito matapos ang salpukan ng kolong-kolong at kotse sa Barangay Balagbag, Cabarroguis, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa pamilya ng biktima, kinilala ang nasawi na si Ptra. Tessie Morales, 70-anyos, habang nasa kritikal namang kalagayan si Ptr. Arnel Castillo, 31-anyos na residente sa Barangay San Isidro Diffun, Quirino.

Napag-alaman na ihahatid umano sana ni Ptr. Arnel si Ptra. Tessie sa kanyang bahay nang mangyari ang aksidente sa intersection na papasok sa barangay Balagbag.

Matatandaan na ang nasawi ay una nang nasa kritikal ang kalagayan dahil sa mga natamo nitong pinsala dulot ng aksidente.

Isinugod pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival ng attending physician.

Sa ngayon ang kasama naman nitong si Ptr.Arnel ay kasalukuyan pang nasa pagamutan at kritikal umano ang kalagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *