Bilang ng enrollment sa Bicol region, pumalo na sa mahigit 1.7M sa school year 2022-2023

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 1, 744, 532 o 95.89% ang nakapag enroll sa  school year 2022-2023 as of September 19, ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Roy Bañas, Chief Policy Planning and Research Division ng Department of Education (DEPED) Bicol, marami ang nagsipagbalikan sa private schools ngayong school year dahil ibinalik na rin ang face-to-face learning classes.

Base sa tala, nasa 140, 208 o 100.77% ang nag-enroll sa pribadong paaralan; 1, 601, 092 o 95.49% naman ang sa pampublikong paaralan, habang sa SUCs at LUCs ay nasa 2, 232 o 96.10% learners ang nag-enroll.

Aabot na rin sa 26,625 learners ang nakapag-enroll sa Alternate Learning System (ALS) sa rehiyon.

Tinatayang nasa 4, 469 ang kabuuhang bilang ng mga paaralan na sektor at level of education.

Ayon pa sa kagawaran, magsisimula ang pagpapatupad ng full face to face classes sa Nov. 2 ngayong taon, ngunit sa ngayon ay nasa 2, 544 mula sa 4, 469 na paaralan sa rehiyon ang nagpatupad ng 5 days person o full face to face classes habang 1,876 naman ang nagpapatupad din ng kanilang blended learning na may face to face classes.

Sinabi pa ng opisyal, mas marami na ngayon na mga magulang o mag-aaral ang gusto nang bumalik sa paaralan kaysa modular learning modality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *