DepEd bicol, nilinaw na hindi kasali ang higher grades para sa learning recovery curriculum

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Bicol na hindi kasali ang higher grades sa kanilang learning recovery curriculum (LRC) na bahagi ng kanilang learning recovery plan (LRP), kung saan ito ay tanging para sa nasa una at ikatlong baitang na mga mag-aaral lamang.

Ang disenyo umano ng LRC ay nakatutok sa literacy at numeracy, partikular na sa mga foundational skills, at an g pagtuturo ng mga guro sa nasabing kurikulum ay nakatuon sa pagkatuto ng mga bata na bumasa.

Maliban pa rito, mayroong mga structured activities ang kurikulum para sa mga bata upang matuto rin silang makihalubilo sa ibang mga bata.

Gayunpaman, hindi naman umano nila sinasara ang pagtulong sa mga higher grades, o ang mga nasa ikaapat na baitang pataas.

Ayon kay DepEd Bicol Regional Director Gilber Sadsad, binibigyan naman nila ng responsibilidad ang mga school heads o divisions na kung kaya naman nilang magdisenyo ng mga remedial programs para sa mga nasa higher grades na hindipa nakakabasa.

Aniya, kabilang talaga ito sa kanilang programa, ngunit nagkulang na sila sa oras at preparasyon. Matatandaang, sinimulang isagawa ang LRC noong mag-umpisa ang klase nito lamang nakaraang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *