Resulta at kapasidad ng COMELEC 1st division, hindi dapat kwestiyunin – Gov. Rosal

LEGAZPI CITY – Inihayag ng gobernador na hindi dapat kwestiyonin ang inilabas na resulta sa pagdiskwalipika sa kanya at maging ang kapasidad ng COMELEC 1st Division.

Aniya, maaaring iyon ang kanilang paniniwala o nakitang nilabag sa petisyon ni Joseph Armogila sa panahon ng campaign period.

Dagdag pa niya, dahil mayroong Motion for Reconsideration (MR) sa COMELEC en banc, kinakailangan lamang ditong ipaliwanag na ang programa ay matagal nang ginagawa ng City Government ng Legazpi.

Nilinaw din nito na ang pamamahagi sa mga sektor ng tricycle at senior citizen ay para lamang sa lunsod ng Legazpi noong siya ay nanunungkulan pa bilang alkalde at hindi naman sa buong lalawigan ng Albay. Tiwala ang gobernador na ang kanilang isinumiteng MR ay walang nilabag sa panahon ng campaign period.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *