11 medical conditions ng mga batang maaring kwalipikado para sa COVID vaccination

Inilatag ng Department of Health (DOH) ang 11 medical conditions para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang upang maging eligible sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga ito ay ang mga kabataang mayroong:

Medical Complexity
Genetic conditions
Neurologic conditions
Metabolic/ endocrine
Cardiovascular disease
Obesity
HIV infection
Tuberculosis
Chronic respiratory disease
Renal disorders
Hepatobiliary

Sa gitna nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga kabataang magpapabakuna ay kailangang kumuha ng clearance mula sa kanilang mga doktor at magbibigay ng kanilang consent at assent.

Ibig sabihin umano, ang mga magulang ng mga bata ay kailangan magkaroon ng consent o pipirma sa dokumento, at pangalawa ang mismong bata na babakunahan ay may assent.

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga magulang na magparehistro sa pamamagitan ng kanilang mga local government units. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *