12 pamilya, apektado ng sunog sa Pandacan, Maynila

Tinatayang nasa 12 pamilya ang nawalan ng kanilang mga tahanan makaraang masunog ang isang residential area sa Pandacan sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula eksaktong ala una kaninang madaling araw.

Wala pang isang oras bago tuluyang maapula ng mga bumbero ang apoy.

Sa inisyal na pagtataya, nasa 5 kabahayan ang nasunog at aabot sa P570,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *