Search and rescue operation sa Maco, Davao de Oro, nagpapatuloy

Nagpatuloy ngayong araw ang search and rescue operation sa mga indibidwal na na-trap sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PDRRMO Executive Assistant on Communications and Public Relations Edward Macapili, umaasa silang buhay pa ang mahigit 40 kinokonsiderang missing individuals.

Umabot na raw sa 7 bangkay ang narekober ng mga awtoridad sa trahedyang naganap sa nasabing munisipyo.

Samantala, nagpatupad na rin ng forced evacuation ang Provincial Government ng Davao de Oro sa mga Bgy ng Masara, Mainit, Tagbaros, Elizalde at Panibasan dahil sa insidente.

Ayon kay Macapili, nasa 285 families ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers.

Hindi muna pababalikin ang mga ito sa kanilang mga lugar hangga’t hindi pa nagbibigay ng rekomendasyon ang Mines and Geosciences Bureau na ligtas pang tirhan ang lugar na malapit sa landslide area.

Tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng ayuda sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *