16-anyos na estudyante sa SoKor, inaresto matapos pagpraktisan ng tattoo ang ka-eskwela

ANG TATTOO ay isang likhang sining, ngunit masasabi mo pa bang ito’y isang sining kung sapilitan mismo ang paglagay nito sa iyong katawan?

Iyan ang nangyari kamakailan sa South Korea kung saan isang 16 anyos na estudyante ang inaakusahan na sapilitang nilagyan ng tattoo ang dalawang kapwa mag-aaral na matagal na rin nitong binubully.

Nagpaka tattoo artist umano ang estudyante, ngunit ang nailikha at naiguhit nito sa katawan ng unang naging biktima na kaklase ay tattoong isda na talagang ikinagalit ng magulang dahil bukod sa ito’y isang guhit ng isda, napakapangit pa umano.

Nangyari raw ito sa isang motel kung sa’n binugbog muna ang biktima bago sapilitang gawin ang tattoo session.

Nang kumalat nga ang balitang ito ay agad ding naglakas loob na magsalita ang pangalawang biktma kung saan tinattooan din umano siya sa dibdib, balikat at braso.

Ito naman ang itinanggi ng magulang ng suspek na mahirap daw ang proseso sa pagtattoo kung ito ay sapilitan.

Ganunpaman, ang tattoo ay mananatiling isang tunay na sining, ngunit sa mga nais magpalagay nito ay doon na lamang sa mga eksperto pagdating dito.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *