16 kabilang ang 1 taong gulang na sanggol nagpositibo sa Covid-19 sa Sorsogon; active cases 67 na

SORSOGON CITY – Sumipa na sa 67 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng 16 na bagong kahapon.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Sorsogon Provincial Health Office, limang bagong kaso ang nadagdag sa lungsod ng Sorsogon, tigdadalawa naman sa mga bayan ng Bulan, Casiguran, Castilla at Magallanes habang tig-iisang bagong kaso naman sa Gubat, Juban at Prieto Diaz habang naitala rin ang 1 taong gulang na sanggol na lalaki mula sa bayan ng Juban na nagpositibo sa sakit.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng pamahalaang panlalawigan at ng mga health officials sa lahat hinggil sa pag iwas na mahawa ng nasabing virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols.

Oras kasi umanong tumaas pa ang mga kaso ng Covid-19 ay tiyak na muling ipapatupad ang mas mahigpit na health protocols lalo na’t nalalapit na ang pasukan na ikinababahala naman ng mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *