Tourist arrival sa Sorsogon masigla na sa gitna ng new normal – SPTCAO

SORSOGON CITY—Masigla na rin ang pasok ng mga turista sa lalawigan ng Sorsogon sa gitna ng tourism operation ngayong new normal.

Ito ang kinumpirma ni Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts Office (SPTCAO) head Bobby Gigantone sa panayam ng Brigada News FM.

Ayon dito, maraming mga turista ang dumayo para sa off season ng Butanding attraction sa bayan ng Donsol bukod pa sa patuloy din ang pagbuhos ng turista sa mga bagong destinasyon sa lalawigan na isinaayos ang mga imprastraktura at mas dinagdagan at pinaganda ang mga facilities at amenities.

Anya pa, mula pa noong summer season hanggang ngayon ay patuloy din ang mga bumibisita sa mga dalampasigan at mga dagat  sa lalawigan kung saan masasabi umano nilang sulit at nag-eenjoy naman ang mga turista mapa lokal man o dayuhan.

Higit umano sa lahat, pinakamagandang serbisyong naibigay sa mga bisitang dumayo sa probinsya ay ang pagiging ligtas ng mga ito mula sa Covid-19 kung saan walang umuwi na nakakuha ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *