18 anyos na binata arestado sa kasong child abuse sa Daraga Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki na tinaguriang Rank 9 Municipal Most Wanted Person ng Daraga, Albay sa P-6, Brgy. Binitayan ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na nagngangalang “Lloyd Vinzon”, 18 anyos, binata, estudyante, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, nagsagawa ng Manhunt Operation” laban sa akusado na ayon sa report ng nanay ng biktima, ang kanyang anak na biktima ay menolestiya ni “Lloyd” “noong Disyembre 26, 2020, sa tahanan umano ng isa pa nilang kaibigan sa nabanggit na barangay.

Base sa impormasyon na nakasaad sa “Warrant of Arrest” na ipinalabas ng korte noong Marso 23, 2021, ang akusado ay “wanted” sa kasong paglabag ng “RA 7610” (Anti-Child Abuse Law) na may inirekomendang piyansya ang korte sa halagang Php 180,000.00. Matapos na ipaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan ay agad din siyang dinala sa himpilan ng pulisya ng Daraga para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *