18 contractors ban re: Substandard projects ng gobyerno simula noong 2016

Ibinahagi ni Senator Sonny Angara na aabot sa 18 mga kontraktor ang blacklisted ngayon ng gobyerno kaugnay sa mababang kalidad ng kanilang government infrastructure projects simula noong 2016.

Pero ayon kay Senator Raffy Tulfo, ang naturang bilang ay mas mababa matapos nitong busisiin ang substandard works ng Public Works and Highways sa plenary deliberations para sa proposed 2023 budget.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Tulfo laban sa subcontracting government projects,  na dahilan umano ng pagkakaroon ng layers na naghahati-hati sa budget, kung saan naiiwan ang proyekto na may mas maliit nalang na pondo kumpara sa orihinal na halaga.

Mungkahi ng senador, na ang nanalong kontraktor sa bidding ang siyang dapat mangangasiwa at magtatapos sa proyekto.

Dagdag nito, na ang pag-ban sa subcontracting ay nagbibigay ng pananagutan para sa potensyal na isyu na maaring naranasan sa isang proyekto.

Sinabi naman ni Angara, na pinapayagan ang subcontracting basta’t ang mga subcontractors ay accredited ng gobyerno. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *