2.93 M Pilipino, walang trabaho; Unemployment, bumaba sa 6.4% noong Jan

Bumaba ang unemployment rate sa 6.4 percent nitong January, base sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.93 million na Pilipino na walang trabaho.

Ayon sa PSA, mas mababa ang jobless rate kumpara sa dating labor force quarterly result noong October 2021 kung saan ay pumalo ito sa 7.4 percent o katumbas ng 3.5 million na Pilipino na walang hanap-buhay.

Mas mababa rin ang monthly unemployment rate ng January kumpara sa 6.6 percent ng December o 3.27 million na jobless count.

Bumagsak rin ang underemployment sa 14.9 percent nitong January, na katumbas ng 6.4 million kumpara sa 16.1 percent o 7.04 million na naitala noong October 2021.

Umabot naman ang total employed population para sa buwan sa 43.02 million o 93 percent na mas mataas kumpara sa 92.6 percent na naitala noong October 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *