BPOs, humiling ng karagdagang oras bago ang pagbabalik opisina

Humihingi ang sektor ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) ng karagdagang oras para sa pagbabalik opisina ng kanilang mga empleyado.

Nais rin nilang bumuo ng hybrid setup na pwedeng maipatupad sa loob ng mahabang panahon.

Ayon kay Jack Madrid, presidente ng IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), susunod naman sa kautusan ng gobyerno ang mga kompanya.

Gayunman, nais nila ng mas mahabang panahon bago ang pagbabalik sa onsite operations.

Ipinunto ni Madrid niya na naging mahirap para sa kanila na ilipat ang mga empleyado at equipment nito mula onsite papunta sa kanilang mga bahay.

Dahil diyan ay batid nila na magiging mahirap rin ang pagpapabalik sa mahigit 1-milyong empleyado sa onsite work.

Kamakailan ay sinabi ng Department of Finance na sinuportahan ng Cabinet-level interagency ang desisyon ng Fiscal Incentives Review Board na tutulan ang remote work para sa karamihan ng mga business process outsourcing (BPO) firms sa ecozones pagkatapos ng March 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *