Gross intl reserves ng Ph, bumagsak sa $108.79B noong Dec

Naiulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bumaba ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa $108.79 billion noong katapusan ng December 2021.

Ayon sa central bank, mas mababa ang nasabing halaga kumpara sa $110.12 billion na naiposte sa parehong buwan noong 2020.

Ipinaliwanag ng BSP na ang year-on-year decrease sa reserves ng bansa ay sumasalamin sa outflows, kung saan ay karamihan nito ay nagmula sa pagbabayad ng national government sa foreign currency debt obligations nito.

Dagdag ng BSP, nagkaroon rin ng downward adjustments sa halaga ng foreign currency-denominated reserve assets at gold holdings ng BSP.

Inihayag ng BSP na ang GIR nitong December 2021 ay katumbas ng 9.6 months na halaga ng goods imports at services payments at primary income.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *