2 bayan sa So.Cot, nagdeklara ng state of calamity

KORONADAL CITY- DALAWANG munisipyo na sa South Cotabato ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pagbaha at landslide bunsod ng mga pag-ulan noong nakaraang linggo.

Ang mga ito ay ang bayan ng Surallah at Tampakan.

Sa Surallah, labis na naapektuhan ng kalamidad ang Barangay Tubi Allah, Upper Sepaka at Little Baguio.
Malaki din ang danyos na idinulot ng baha at landslide sa Barangay Palo 19, Danlag at Pula Bato sa bayan ng Tampakan.

Sa naturang mga lugar, may mga tulay na nasira, kalsada na hindi na madaanan, at nasirang mga pananim.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO OIC Rolly Aquino na sa pamamagitan ng calamity declaration, magagamit ng mga LGU ang kanilang Quick Response Fund o QRF sa pagresponde sa kalamidad at pagsasaayos sa mga nasirang imprastraktura.

Inihayag ni Aquino na patuloy ang ginagawang monitoring ng PDRRMO sa iba pang mga lugar na apektado ng kalamidad.

Aniya, agad na nagbibigay ang provincial government ng mga relief packs sa mga apektadong residente, nagdedeploy ng mga heavy equipment at nagbibigay ng iba pang kailangan ng mga munisipyo at mga barangay.

Maaaring isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan kung mayroon ng tatlong LGU nito na nakapagdeklara ng state of calamity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *