2 Beauty queen mula sa lambak ng Cagayan, pasok sa top 50 ng Miss Universe PH 2021

Pasok sa Top 50 ang dalawang delegada ng Lambak ng Cagayan sa Miss Universe 2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nakakuha ng pwesto sa Top 50 ang pambato ng Bayan ng Reina Mercedes na si Jan Louise Abejero na isang manunulat at ang Medical Technologist na si Gianne Kryssee Asuncion mula naman sa Probinsya ng Cagayan.

Nakapasok ang dalawang delegada matapos makakuha ng matataas na iskor at nahuli ang kiliti ng masa sa kanilang mga isinagawang challenges tulad ng Head Shot Challenge, Video Intro. Challenge, Runway Challenge at Casting Challenge.

Dadaan naman ang Top 50 delegates sa Interview Challenge kung saan hawak na ng panel experts kung sino ang makakapasok sa top 30 para sa Finals.

Maari din  bumoto online kung saan ang tatlong (3) pinakamataas ang boto ay awtomatikong pasok na sa Top 30.

Samantala, humiling naman ng dasal at suporta ang pambato ng Cagayan na si Asuncion matapos itong magpositibo sa COVID 19.

Batay sa inilabas na post ni Asuncion sa kanyang social media account ay wala umano makakapigil sa kanya at magpapatuloy ang laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *