2 Cafgu patay, bata sugatan sa pamamaril sa Masbate

Sugatan ang 6-anyos na batang lalaki habang dalawang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o Cafgu ang nasawi matapos na tambangan sa isang malayong nayon  sa bayan ng Pio V. Corpus, Masbate.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nangyari ang pananambang alas 9:50 ng umaga noong Lunes, Nobyembre 7 sa Brgy Lampuyang ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jobert Abaja ay Jyvee Amandoron, kapwa miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) Patrol Base, Brgy Manlot-ot, Placer, Masbate.

Lulan umano ng motorsiklo ang dalawang Cafgu, galing sa kanilang patrol base nang pagpasok pa lamang sa Brgy Lampuyang ay pinagbabaril na ang mga ito ng hindi kilalang mga salarin.

Nagpapagaling naman na ngayon ang 6-anyos na batang lalaki, na nasugatan sa pag-atake, matapos na isugod ito sa Masbate Provincial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *