18-anyos na binata, arestado sa kasong panghahalay; NPA, sumurender sa mga awtoridad

Arestado ang 18-anyos na binata na may kinakaharap na kasong panghahalay sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Sa ikinasang Manhunt Charlie ng Casiguran Police, inaresto si Ramon Relanes Evano, high school student at naninirahan sa Brgy Casay ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court Br 12 na may petsang Nob. 3, 2022 na walang itinakdang piyansa.

Samantala, isang 31-anyos na kasapi ng Platun 1, Larangan 1, Komite Probinsyal 3 ang kusang sumurender sa tropa ng pamahalaan sa Brgy Perlas, Pto Diaz, Sorsogon.

Ayon sa ulat, ang personahe ng 1st PMFC kasama ang RIU5-PIT4, NFSL, at ng Pto Diaz Police ang nag-facilitate ng pagsurender ng naturang rebel returnee.

Sa kasalukuyan ay nasa kustudiya ito ng 1st PMFC sa Brgy Ignacio, Gubat, Sorsogon para sa kaukulang dsiposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *