2 FRs pinagkalooban ng tig-P150K tulong pinansyal ng Pamahalaang Panlalawigan

Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng P150K ang dalawang may matataas na katungkulan ng New People’s Army (NPA) na sumurender kamakailan sa mga awtoridad.

Ang tulong pinansyal ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng Provincial Government na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Sorsogon.

Layon din nito na  masuportahan ang nasabing mga FRs sa kanilang muling pagbabalik sa lipunan at bigyan sila ng puhunan para sa kanilang pagsisimula ng panibagong buhay.

Pinuri naman ni Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla ang dalawang indibidwal na aniya ay pinili ang landas ng kapayapaan at matapang na sumurender at binigyang diin ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan na suportahan sila sa kanilang paglipat tungo sa isang mapayapa at produktibong buhay.

Dagdag pa nito, nananatili umanong matatag ang Provincial LGU sa pangako nito na maitaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa Sorsogon sa paniniwalang sa pamamagitan ng diyalogo, pagtutulungan, at suporta, makakamit ang mapayapa at maunlad na kinabukasan para sa buong lalawigan.

Una rito, apat na M16 rifle naman ang isinauli ng dalawang FRs sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *