3 suspek sa kasong Statutory Rape, huli sa Palawan

Kulong na ang tatlong wanted sa batas matapos umano silang mahuli ng pulisya nitong Lunes, May 15 sa bayan ng Taytay at El Nido, Palawan.

Ayon sa Palawan PPO, ang mga inaresto ay sina REYNALDO MAGBANUA CHAVEZ, 33 anyos na hinuli umano sa Brgy Abongan, Taytay, Palawan dahil sa kasong Qualified Statutory Rape Under PAR 1 (D) OF ART 266-A in relation to ART 266-B (), (Four (4) counts).

Sa Brgy Mabini, El Nido,Palawan arestado rin ang Joel Cuyo Luna 25 anyos sa Statutory Rape (3 Counts) under Art 266-A(1)(D) in Relation to Art 266-B.

Arestado rin umano ang Jessabel Alferez Genon, 28 anyos (babae) sa Barangay Villa Libertad, El Nido, Palawan statutory Rape (3 Counts) under Art 266-A(1)(D) in Relation to Art 266-B.

Sa ulat pa ng pulisya, inaresto ang tatlo sa bisa ng arrest warrant na pirmado ng mga hukom na ipinatupad ng magkakaibang law enforcement unit.

Samantala, hindi idinetalye ng pulisya ang kasong isinampa sa mga akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *