2 indibidwal na sangkot sa umano’y investment scam, arestado sa Makati City

Nadakip ang dalawang indibidwal na sangkot sa umanoy investment scam sa isang restaurant sa Makati City.

Ito ay kasunod ng pinaigting na operasyon laban sa mga investment scam ng CIDG Northern DFU katuwang ang Makati City Police.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Robert, 48-anyos at alyas Alex, 42-anyos, na kapwa residente ng Biñan, Laguna.

Nag ugat ang operasyon makaraang magreklamo ang mga biktima na hinikayat sila ng mga suspek na mag-invest ng milyong halaga ng pera na ang kapalit ay 3% na interes sa isang araw, na kalaunan ay tinanggihan ang kasunduan at hindi nabayaran ang halaga.

Lumabas din sa imbestigasyon na nauna nang naaresto si Robert ng Biñan City Police Station dahil sa paglabag sa Estafa noong 2017.

Dinala na sa CIDG Northern DFU Office para sa dokumentasyon ang mga suspek na mahaharap sa kaukulang kaso para sa paglabag sa Swindling/Estafa sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code.

Kasunod nito, pinayuhan naman ang publiko na maging maingat bago pumasok sa anumang mga kasunduan upang maiwasan ang pagkawala ng malaking halaga ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *