2 local manufacturer ng modern jeepney, nag-apply sa DTI para sa PUVMP

Inanunsyo ng Office of Transportation Cooperative o OTC na may dalawang local manufacturer ng modern jeepney ang nag apply na sa Department of Trade and Industry o DTI para sa PUV modernization program.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni OTC Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, pasok sa standard ang yunit ng mga naturang manufacturer na may traditional design.

Hinikayat din ni Ortega ang iba pang mga local manufacturer na mag apply din na maging supplier ng modern jeepney para mas maraming mapagpilian ang mga kooperatiba.

Tiwala ang opisyal na makakahabol pa sa aplikasyon ang iba pang gumagawa ng traditional design ng jeep na pasok sa standard for safety reliability at convenient sa mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *