2 patay ng tamaan ng kidlat sa Tinambac , Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang dalawang binatilyo habang sugatan ang isa pa matapos na tamaan ng kidlat sa Tinambac, Camarines Sur kahapon.

Ayon sa Rural Health Unit ng bayan dinala sa kanila ang mga biktima bandang alas-3 ng hapon.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Michael Fortunado nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon sa Sitio Gogon Barangay Lupi habang nagtatanim ng mais ng magpipinsan. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ng bayan ang magpinsan na kinilalang sina “Jomar” at “Arjie” samantalang ang isa na kinilalang si “Nard” ay dinala sa Bicol Medical Center sa Naga.

Bigla umanong umulan subalit nag patuloy ang tatlo sa pagtatanim. May nakakitang kasamahan na parang tumalon pero tinamaan na pala ng kidlat.  Hindi kaagad nalapitan dahil sa lakas ng buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Nagtamo ng mga lapnos sa katawan ang mga biktima.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa Thunder Storm.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *