2 Pinoy – patay sa Hamas attack sa Israel

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo na mayroon nang dalawang mga Pilipinong napatay sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel.

Kinundena ni Manalo ang umano’y mga ‘acts of terrorism and violence’ na kagagawan ng Hamas sa Israel.

Aniya, patuloy na makikiisa ang Pilipinas sa pagkakaroon ng ‘long-lasting resolution’ sa naturang conflict.

Nangako naman ang Kalihim na ibibigay nila ang lahat ng kinakailangang assistance sa mga Pilipinong naipit sa girian.

PBBM, labis na ikinalungkot ang pagkasawi ng 2 Pinoy

Labis naman na ikinalungkot ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkasawi ng dalawang Pinoy.

Sa statement na ibinahagi ng Presidential Communications Office o PCO, sinabi ni Pangulong Marcos na mabigat sa kanyang dibdib ang natanggap na impormasyon, at mariing kinokondena ang karahasan at teroristang pag atake.

‘My heart is heavy upon hearing confirmation of the deaths of two Filipinos in Israel. ‘ ani Marcos.

Muli ring iginiit ng Punong Ehekutibo na hindi titigil ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapadala ng tulong para sa mga apektadong OFW at Filipino community sa Israel.

‘The Philippines condemns these killings and stands firmly against the ongoing terror and violence,’ dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, sa hiwalay na pahayag nagpaabot din ng pakikiramay at pakikidalamhati ang Embahada ng Israel sa Pilipinas, sa pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi.

#

NO DEPLOYMENT BAN

Nilinaw ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pa ring deployment ban sa Israel.

Sa isang Malacañang media briefing, ipinaliwanag ni DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na kinakailangan nakataas ito sa Alert Level 3 upang maisagawa ang deployment.

Sa ngayon, wala pang itinataas na alert level status sa Israel, ngunit kasalukuyang naka-hold ang deployment ng mga manggagawa dahil sarado pa rin ang Ben Gurion International Airport.

Dagdag pa ni Cacdac na nakikipag-coordinate rin sila sa counterpart ng Israel na ‘Israeli PIBA’ para sa kapanan ng mga overseas Filipino workers sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *