BSKE 2023, Walang Pasok

Opisyal nang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang October 30, 2023 bilang special non-working holiday para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa inilabas na Proclamation No. 359 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay para bigyan ng pagkakataon ang lahat ng Pilipino na bumot sa darating na halalan.

Una nang sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na maglalabas sila ng request for a declaration sa anyo ng isang resolusyon.

Papatak ng Lunes ang October 30 at magtatagal mula ala-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *