2 purok sa Brgy Sirangan, Sorsogon City ‘special mention’ ng kapitan sa problema sa basura

SORSOGON CITY—Aminado si Barangay Captain Josephine Lanuza ng Sirangan, Sorsogon City na talagang problema ng kanilang barangay ang basura.

Sa panayam ng Brigada News FM sa opisyal, sinabi nito na mayroon kasi talaga umanong mga Purok sa kanilang lugar na walang disiplina pagdating sa pagtatapon ng kanilang mga basura na nagreresulta sa pagbaha tuwing malakas ang ulan dahil nababara ang mga daluyan ng tubig.

Katunayan anya ay gumagamit na siya ng public address system para paalalahanan ang mga residente pero hindi pa rin talaga sumusunod ang iba.

Kahit pa anya nagpapatupad sila ng cleanup drive tuwing Sabado ay hindi rin nauubos ang basura dahil patuloy na may nagkakalat. Binanggit nito ang Purok 2 at bahagi ng Purok 3 na anya talagang maraming basura.

Pinuri naman nito at ikinatuwa ang sistemang ginagawa ng mga taga Purok 1 dahil sa maayos na pagdidispose ng kanilang mga basura kumpara sa ibang mga purok.

Kaugnay nito ay plano umano ng barangay na maglunsad ng programa na magbibigay pagkilala sa mga purok na may maayos na sistema sa basura na posibleng masimulan sa susunod na taon.

Nagpasalamat din si Kapitan Lanuza sa City-LGU na anya laging nakahandang umlalay sa kanila sa mga ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng pagpapadala ng ekipahe tulad ng backhoe lalo pa at talagang hindi kinakaya ng mano-mano ang natatambak na mga basura sa barangay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *