Mahigit 1,200 katao patay matapos tumama ang 7.8 na lindol sa Turkey at Syria

Umakyat na sa mahigit 1, 200 katao ang namatay matapos na tumama ang 7.8-magnitude na lindol sa Turkey at Syria.

Naramdaman ang pagyanig hanggang sa isla ng Cyprus at Egypt.

Ayon sa emergency service ng Turkey, mayroong naitalang 912  initial death toll sa bansa ngunit maaari pa umanong umakyat ang bilang na ito dahil sa maraming gumuhong apartment building sa mga pangunahing lungsod.

Samantala, hindi naman bababa sa 326 katao ang namatay sa government-controlled parts ng Syria gayundin sa hilagang lugar na hawak ng mga pro-Turkish factions.

Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay tumama alas 04:17 ng umaga kahapon na may lalim na  humigit-kumulang 17.9 kilometers malapit sa Turkish city ng Gaziantep na tahanan ng humigit-kumulang dalawang milyong tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *