2022 budget ng So.Cot, ibi-veto ni Gov.Tamayo

KORONADAL CITY- NAKATAKDANG magpalabas ng veto order si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ngayong linggo para sa 2022 annual budget.

Inamin ng gobernador na sumama ang kanyang loob matapos bawasan ng Sangguniang Panlalawigan ang budget proposal ng ilang departamento lalo na sa COVID 19 response at pondo sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH).

Dahil dito, inihayag ni Tamayo na ibi-veto niya ang 2022 budget at ang gagamitin ay ang pondo noong 2021.

Hindi naman malinaw kung ang kabuuang 2022 annual budget ang kanyang ibi-veto o ang pondo lang sa SCPH at ibang departmento na may budget cut.

Nagbanta din ang gobernador na idi-discampaign at tatanggalin niya sa partido ang mga SP members na boboto sa pag-override sa kanyang veto kahit ito ay kanya pang kaalyado.

Nasa P 2.9 million ang inaprubahang annual budget ng SP ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *