21 jail personnel sa SCRDC, binigyan ng commendation

KORONADAL CITY- BINIGYAN ng commendation ng provincial government ng South Cotabato ang 21 mga personnel at jail guards ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) bilang bahagi ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE.

Kabilang sa mga ginawaran ng papuri ang walong mga jail personnel na naging daan sa pagkakumpiska ng mahigit sa P 272,000 na halaga ng ilegal na droga sa loob ng jail noong December 25, 2021.

Samantala, 13 mga personnel naman ang binigyan ng commendation dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho na naging dahilan ng pagkadiskubre at pagkakumpiska ng higit sa P 782,000 na halaga ng ilegal na droga noong December 29, 2021.

Matatandaan na ilang beses hinagisan ng kontrabando ang loob ng provincial jail noong nakaraang taon, ngunit ang mga ito ay pawang nakumpiska ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *