Online appointment sa pagkuha ng civil registration documents sa Gensan, epektibo na ayon sa PSA 12

KORONADAL CITY- HINDI na tumatanggap ng walk-in clients ang Philippine Statistics Authority o PSA- Civil Registry System (CRS) General Santos City Serbilis Outlet simula February 15, 2022.

Ayon kay PSA 12 regional director Atty. Maqtahar Manulon na ang mga gustong mag-proseso at kumuha ng civil registration documents tulad ng birth, marriage at death certificates, at Certificate of No Marriage o CENOMAR sa mga CRS outlet ay kailangan ng kumuha ng appointment online sa pamamagitan ng website na appointment.psa.gov.ph.

Layunin nito na ma-regulate ang mga tao sa mga CRS outlets lalo na sa gitna ng pandemic at upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa mga ito.

Inihayag ni Manulon na ang appointment system ay ipinatutupad hindi lamang sa CRS Serbilis outlet sa General Santos City kundi sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *